Ang trabaho o ang pagiging empleyado ay temporary lang. Tatanda ka rin, manghihina ka...Paano ka na sa pagtanda? Kahit na sabihin mong matatag ang company mo kapag yan nagbawas ng trabahador maaaring kasama ka. Paano na kapag nangyari un? May backup plan na ba?
Ang trabaho ay Active Income lang...No work, No money! Temporary! Ang mga gastusin mo, pagkain, bills, tuition fee, etc. PERMANENT responsibility! Paano nalang kung nawalan ka ng Active Income? Paano na ang mga responsibilities?
Maybe, maganda ang trabaho mo ngayon...
Okay ang kita. Pero ito lang ang masasabi ko...
Maliit man o malaki ang kinikita mo...kailangan mo mag-ipon!
Maliit man o malaki ang kinikita mo...kailangan mo mag-invest!
Ika nga...Ang mundo ay bilog!
Karamihan sa mga Pilipino ay maraming emergency pero walang funds, importante ang ipon for emergency funds. Para kung sakaling dumating ang hindi inaasahang pangyayari ay hindi mo na kailangan pang maghanap ng mauutangan.
Maraming klase ng Emergency...
Halimbawang may mangyaring emergency sa buhay mo ngayon, READY ka ba?
Alam mo ba kung bakit nababaon sa utang ang isang tao? Dahil wala siyang emergency fund!
No Savings! No Investments! Walang mahuhugot...
Gaano katagal ka na sa trabaho? 10 years? 20 years? 30 years?Kailan mo balak mag-retire? edad 60? edad 65? Napansin mo ba na parang buong buhay mo nalang ay nagtatrabaho ka?
Yan ba talaga ang gusto mong buhay? at yan din ba ang gusto mong buhay ng magiging anak at mga apo mo? Sa totoo lang, hindi naman edad ang basehan upang ikaw ay makapag-retire. Nangyayari lang na tumatanda tayo sa trabaho dahil hindi natin napaghandaan ang retirement.
Halimbawang edad 40 ka na pero may sapat ka nang pera, may mga investments ka na nag-gegenerate ng income kahit hindi ka nagtatrabaho..sa tingin mo pwede ka na ba magretire kapag ganun? YES!
So, importante ba na may ipon at investments? OO naman!Para kung halimbawang tamarin ka nang magtrabaho ay may choice kang huminto na.
Narinig mo na ba ang salitang PASSIVE INCOME? Noong narinig mo ito , na-search mo ba kung anong ibig sabihin nito? Kung hindi pa, i-explain ko sayo. :)
May dalawang klase ng income; Active at Passive.
Kapag sinabing Active Income, you worked hard for the money.
Sa tagalog, nagpapakahirap kang kumita para sa pera!
Kapag sinabing Passive Income, your money work for you.
Sa tagalog, yung pera mo nagtatrabaho para sayo.
Pag Active Income, mapapagod ka. Sure yan!
Pag Passive Income, hindi ka pagod. Hindi rin pagod ang pera mo!
So anong gusto mo magtrabaho?
Ikaw o yung pera mo?
There's a lot of ways to build a passive income.
Isa sa mga paraan para magkaron ng passive income is by investing in paper assets.
Madalas mo ba marinig sa balita ang salitang inflation?
Nung narinig mo, pinansin mo ba o hinayaan mo lang?
Dapat po tayong maging aware tungkol sa Inflation.
Ang inflation ay ang SILENT THIEF of our money!
Yung akala mo normal lang pero unti unti na palang nauubos ang pera mo dahil di ka aware sa inflation.
Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng mga products and services. Paano ito nakaka-apekto sa tao?
Imagine may ipon ka ngayon na 100,000 pesos.
Tinago mo lang sa alkansya o kaya naman sa savings account mo sa bangko. And then balak mo kunin ito after 10-20 years. Anong mangyayari sa 100,000 mo after 10-20 years?
SAME! oo tama, parehas pa rin...yung 100,000 mo dati at 100,000 mo ngayon, SAME!
PERO...yung buying power niya, sama pa rin ba?
Yung presyo ng bigas ngayon versus 10 years or 20 years after, same pa ba? Hindi na!
Yung pamasahe ngayon versus 10 years or 20 years from now, same pa ba? Hindi na!
Kung titignan maigi, mukhang 100,000 ang pera mo pero sa totoo lang nabawasan na yan because of inflation. :)
That's why we need to save and invest to beat the Inflation. Dapat mas mataas ang kinikita ng pera natin kaysa sa pagtaas ng presyo ng products and services.
Mas masarap sigurong isipin kung ang buhay na mabibigay natin sa pamilya ay masagana. Hindi man sobrang yaman pero atleast maganda ang future kasi ngayon palang ay nagplano ka na.
Wala pa akong nakitang tao na naghirap sa buhay dahil siya ay nag-ipon at nag-invest. So kung talagang gusto mo magkaron ng magandang kinabukasan ang sarili mo at ang pamilya mo.
Ngayon palang, habang bata, habang malakas, habang may oras pa...gawin mo na! Mag-SAVE at mag-INVEST ka na. :)
There is "Saving the Right Way" and then there is "Saving the Wrong Way". Many people do not realize it but they might have been saving the wrong way all along. This book will show you how to do it right.
SUBSCRIBE TO GET THE FIRST 2 CHAPTERS:
NEED ASSISTANCE?
ADDRESS
10th Floor, The World Centre Bldg.
Sen Gil Puyat Ave.,
Makati City, Philippines
PHONE
+63 919 882 6805
EMAIL
bjmmaningas@gmail.com